Home / HOME / DISKARTE PARA MAKAPASA SA ENGINEERING

DISKARTE PARA MAKAPASA SA ENGINEERING

DISKARTE PARA MAKAPASA SA ENGINEERING

Ang engineering talaga ay mahirap na kurso pero kung alam mo ang diskarte para makausad ka at maka graduate ito ay hindi mahirap. Madalas sa mga estudyante ngayon sa college na nag-take ng engineering courses ay may magandang marka noong high school pa sila. Kaya ang taas ng tingin ng ibang tao pag ang kinuha mo ay enginering na sa tingin nila ikaw ay napaka talino. Pero sa totoo lang di naman kailangan maging matalino o magaling ka sa math para makapasa ka sa kurso ito. Lalo na hindi ka kailangan mangamba kung hindi ka magaling sa math dahil maraming paraan para makapasa.

Una, kailangan mo maging pala kaibigan sa mga classmate mo. Sabi nga nila “no man is an island” kaya hindi ka dapat mag solo sa kursong ito. Lahat ng classmate mo o ang naging kaibigan mo sa engineering ay isang malaking bagay para magtulungan kayo sa lahat ng bagay. Isa na dito ang pag group study, kung may matalino kayong classmate huwag nyo ito kalabanin dahil siya ang makakatulong sa inyo lalo na sa mga mahihirap na subject. Dahil pwede kayong magpaturo sa kanya sa mga parte ng subject na kung saan kayo nahihirapan. Maging madiskarte sa pagkuha ng mga sources o reference, magtanong-tanong kayo sa mga seniors ninyo na dumaan na sa mga subject na ganyan. Kasi madalas naman sa mga exam ng mga professor ay paulit-ulit lang naman, na may binabago lang sa mga exams. Kaya mas madali sa inyo kung marami kayo mapag-tanongan,  lalo na sa mga libro na ginagamit ni prof, hanapin niyo ito sa library kung saan siya kumukuha ng reference ng klase niyo para maging advance kayo. Ang ganitong diskarte ito ay may tsansa ka pumasa sa mga subject mo. Sabi nga nila, kailangan mataas ang fighting spirit mo kapag engineering ang kurso mo. Isang malupit na diskarte ang kailangan para pumasa. Biruin mo, kahit pa adik ka sa dota, gimik at kung ano-ano pa kung may diskarte ka kaya mo ito ipasa.

Ayon sa iba maapektohan daw yung lifestyle mo as a student pag engineering ang kurso mo. Pero sa totoo lang, di mo na kailangan ng malaki grades para pumasa di bale nalang kung achiever kang tao or may mini-maintain ka na grades. Kasi 75% lang o 3.5 ok kana diyan, lalo’t mahirap na mga major subjects sa engineering. Kung di ka gaano magaling sa theory bumawi ka sa technical at madalas ito sa engineering students. Ang iba bumabawi sa mga project, dito rin lumalabas ang pagka-maparaan mo. Ang electronics subject ay isa sa mga subject na may design project na madalas din sa mga electronics o computer engineering na kurso. Lalo kung maka encounter kayo sa mga professor na mahilig sa technical at madalas hinihila nila ang mga gra

About admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

x

Check Also

Cynthia Villar, Manny Pacquiao nangunguna sa listahan ng pinakamayayamang senador

According to the Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth or SALN of the Senators ...